Otlum, Binigyan ng Raket at Cellphone ni Diwata Pero Di Na Bumalik

 

Otlum, Binigyan ng Raket at Cellphone ni Diwata Pero Di Na Bumalik

Image: Google


Nagdulot ng kontrobersiya sa social media ang pangyayari kina Otlum at Diwata, dalawang kilalang personalidad sa online platform. Ayon sa ulat, nagbigay si Diwata ng raket at cellphone kay Otlum, isang social media personality. Si Diwata ay nakilala sa kanyang "Diwata Pares Overload" business at pagiging influencer, habang si Otlum ay nag-viral dahil sa insidente ng pangangamkam ng cellphone.


Ngunit matapos makuha ni Otlum ang cellphone, agad daw itong nagpaalam at hindi na bumalik. Sinabi ni Diwata na binigyan niya si Otlum ng pagkakataon na magbago at sumikat sa vlogging, ngunit tila iniwan siya ni Otlum nang makamtan na nito ang cellphone.


Sa live video ni Otlum, nagpasalamat ito kay Diwata sa kabila ng kontrobersiyang ito. Sinabi ni Otlum na matagal na silang magkaibigan at hindi sila magkaaway. Inilahad din niya ang kanyang health condition, na siyang naging dahilan kung bakit hindi na siya bumalik sa trabaho. Ayon kay Otlum, sumasailalim siya sa dialysis at may iisang kidney na lang siya.


Sa kabila ng pangyayaring ito, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang kontrobersiyal na aksyon ni Otlum.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts