Niligwak ang imbitasyon kay Jodi Sta. Maria sa birthday ni Mr. M

 


Niligwak ang imbitasyon kay Jodi Sta. Maria sa birthday ni Mr. M


Usap-usapan ang rebelasyon ni Ogie Diaz hinggil sa diumano'y kinansel na imbitasyon kay Jodi Sta. Maria sa birthday ni Mr. M o Johnny Manahan. 


Ayon kay Ogie, isa raw si Jodi sa inimbitahan sa naturang okasyon, ngunit bigla umanong kinansel ang kanyang imbitasyon dahil mas pinaboran daw ang presensiya ni Claudine Barretto, na isa sa mga pionero sa kanilang industriya at anak-anakan ni Mr. M.


Sa isang pag-uusap ni Ogie at ni Mama Loi, nabanggit ni Ogie na alaga rin ni Mr. M si Jodi Sta. Maria, ngunit sa huli, kinansel daw ang imbitasyon ni Jodi upang hindi raw magkaroon ng alitan o di pagkakaunawaan sa loob. "‘Yung nag-organize nito ang nag-decide na hindi muna pagkitain si Jodi at si Claudine," paglilinaw ni Ogie, na nagpapatunay na hindi si Claudine ang direktang nagpasya na ipacancel ang imbitasyon.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts