Nagkaayos na? Sam Milby at Catriona Gray, Magkasama sa Isang Palaruan

 


Nagkaayos na? Sam Milby at Catriona Gray, Magkasama sa Isang Palaruan


Sa isang recent post ni John Prats, napansin ng publiko na magkasama sina Sam Milby at Catriona Gray noong nakaraang Linggo sa isang palaruan ng Pickleball. Ang post na ito ang nagbigay daan sa tanong kung nagkaayos na ba ang engaged couple matapos ang mga naging isyu sa kanilang relasyon.


Matatandaan na kamakailan lang ay naglabas ng pahayag ang management ng dalawa na nagbibigay diin na may pinagdadaanang pagsubok ang kanilang relasyon. "While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together," ayon sa pahayag ng Cornerstone.


Sa pagkakasama nina Sam at Catriona sa naturang palaruan, marami ang natuwa at naghahangad na sana tuloy na tuloy na ang mas magandang samahan ng dalawa.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts