Megan Young, Pinaratangang Mangkukulam Matapos ang Miss World 2024 Kontrobersiya

 




Megan Young, Pinaratangang Mangkukulam Matapos ang Miss World 2024 Kontrobersiya


Ang galit at damdamin ng mga taga-Botswana ay umarangkada matapos ang ginawang pag-aayos ni Miss World 2013 Megan Young sa buhok ni Miss Botswana sa nakaraang Miss World 2024 sa Mumbai, India noong Marso 9, kung saan siya ang nag-serve bilang host. Kinuwestiyon ng mga Batswana ang kilos ni Megan, na umano'y nagdudulot ng "witchcraft" at naging sanhi ng di-maayos na performance ni Lesego Chombo sa Q&A portion, na nagresulta sa pagkatalo nito.


Dahil sa kanilang kultura, hindi dapat hinahawakan ang buhok ng iba, at iniisip ng mga taga-Botswana na ito'y nagdulot ng "hypnotism" kay Lesego, na nag-udyok sa kanyang di-maayos na sagot. Ngunit sa mata ng mga Pilipino at ibang internasyonal na manonood, itinuturing na pagpapakita lamang ng pagmamalasakit ang ginawa ni Megan, na nakadikit lamang ang bangs ni Lesego sa noo nito.


Sa kabila ng pangyayari, naglabas ng pampublikong paumanhin si Megan sa mga naapektuhan ng kanyang kilos. Inamin niyang hindi niya na-consider ang kultural na aspeto nito at nangako ng mas maingat at ma-respetong pagkilos sa hinaharap.

No comments:

Post a Comment