Maris Racal, Hindi Pa Handang Magka-Baby

 


Maris Racal, Hindi Pa Handang Magka-Baby: "Magtatrabaho po muna ako"


Ang batang aktres na si Maris Racal ay tapat na inamin na hindi pa siya handa na maging isang ina dahil marami pa siyang plano, lalo na sa pag-aalaga ng kanyang karera.

Sa kanyang guesting sa "Magandang Buhay," tinanong si Maris tungkol sa isang larawan kung saan siya'y nakita na nag-aalaga ng isang sanggol sa isa sa kanyang mga biyahe.

"Growing up ako, yung go-to babysitter ng mga pamangkin ko," paliwanag ni Maris.


Nang tanungin kung handa na siyang magkaruon ng sariling anak at maging isang ina.

"Magtatrabaho po muna ako. Pero nandoon naman yon. Pero nasa backseat muna. Kailangan ko muna as individual maging satisfied sa work ko or sa narating ko. Para kung satisfied ako, at happy ako, at peaceful ako, maituturo ko yon sa offspring, kung sinuman siya," sabi ni Maris.


Sa kasalukuyan, 26 taong gulang si Maris.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts