Maris Racal at Anthony Jennings ibinahagi ang bagong pangalan ng kanilang love team

 



Maris Racal at Anthony Jennings ibinahagi ang bagong pangalan ng kanilang love team


Masayang ibinahagi nina Kapamilya actors Maris Racal at Anthony Jennings ang kanilang bagong pangalan bilang love team habang sila ay dumalo sa ivory carpet ng Star Magical Prom noong Marso 14 sa Bellevue Hotel sa Muntinlupa City. Sa panayam, inamin ng dalawang artista na ito ang kanilang unang pagdalo sa prom. Sumikat sina Maris at Anthony bilang onscreen couple sa social media matapos ang kanilang trending performances sa sikat na palabas na Can’t Buy Me Love kung saan gumanap sila bilang Irene Tiu at Snoop Manansala, ayon sa pagkakasunod. Kilala ang kanilang tambalan bilang SnoRene sa social media, ngunit inihayag nila na mayroon silang isa pang pangalan ng love team–– ang MaThon. Ipinahayag nila sa isang panayam na bagaman maraming fans ang nagpapahayag ng iba pang mga pangalan ng love team, ang MaThon ang napili.


“MaThon. Marami na silang nilaban na ibang pangalan pero MaThon yung nanalo,” bahagi ni Anthony.


“Alam ko marami silang gusto,” pahayag ni Maris.


Nagpahayag ng pasasalamat sina Maris at Anthony sa kanilang dumaraming fanbase na patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan sa hit primetime series. Inamin ni Anthony na siya ay labis na nagugulat sa suporta dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon ng malaking epekto ang kanilang love team sa social media.


“Grateful kasi di namin inexpect na [ganito talaga]. Ako, sobrang na-overwhelm talaga,” ani Anthony.


“Natutuwa kami sa mga reactions nila about [sa mga] eksena namin. Kinikilig sila, kinikilig din kami. Nagagalit sila, nagagalit rin kami, ganyan,” dagdag ni Maris.


Ibinahagi rin ng Kapamilya actress na ang kanilang chemistry sa screen ay posible dahil sa kanilang patuloy na komunikasyon kahit wala silang ginagawang eksena. Inamin niya na nag-uusap sila tungkol sa kanilang mga buhay sa labas ng trabaho na tumutulong sa kanila na magkaroon ng mas magandang ugnayan.


“Lagi kaming nag-uusap kahit hindi [kami] nag-e-eksena. We talk about our lives [and] nakikilala namin yung isa’t-isa. Nakakatulong siya sa working relationship namin kaya sobrang comfortable namin,” pag-amin ni Maris.


Samantala, tiniyak nina Maris at Anthony sa kanilang mga fans na mas marami pa silang mapapanood sa kanilang mga susunod na proyekto na hindi pa nila inilalantad sa publiko. “Basta mag aacting. Pero wala pa kami masabi talaga. But it’s something very very exciting. Malapit na rin yun mag start,” pahayag ni Maris.


Maaari pa ring mapanood ang tambalan nina SnoRene sa Can’t Buy Me Love na umere tuwing weekdays sa iba't ibang platforms tulad ng Netflix at The Kapamilya Channel. Bukod kina Maris at Anthony, tampok din sa sikat na serye sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts