'Magandang Buhay' Hindi Na Mapapanood sa TV5

 



'Magandang Buhay' Hindi Na Mapapanood sa TV5



Nagkaruon ng konting gulat ang mga netizens nang malaman na hindi na ipinapalabas ang programa ng ‘Magandang Buhay’ sa TV5. 


Nagpahayag ng kalungkutan ang ilang netizens dahil hindi na nila mapapanood ang nasabing programa na pinamumunuan nina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Regine Velasquez-Alcasid. 


May mga ulat na plano sana na ilipat ang programa sa mas maagang timeslot, ngunit tila may mga hamon na kinaharap ito. Ang programa nina Ted Failon at DJ Chacha ang ipinalit sa oras na 6 am, na sinundan ng ‘My Little Pony.’ Bagamat wala na sa TV5, maari pa rin mapanood ang 'Magandang Buhay' sa Kapamilya Channel, A2Z, KOL, iWantTFC, at TFC.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts