Lassy Nagtindig ang Balahibo nang Halikan siya ni Beauty Gonzales

 



Lassy Nagtindig ang Balahibo nang Halikan siya ni Beauty Gonzales

Image: Lassy/Facebook


Naloka si komedyante at host ng "It's Showtime" na si Lassy nang biglang halikan siya ni actress Beauty Gonzales sa isang guesting sa programa. Kamakailan, dumalo si Beauty Gonzales kasama ang kanyang ka-loveteam na si Kelvin Miranda sa nasabing show.


Sa isang bahagi ng programa, pinakilala si Lassy ni Jhong Hilario at biniro na halikan ito. Hindi naiwasan ni Beauty na pabirong subukan ito, at napakita ang reaksyon ni Lassy na tila nandidiri sa pangyayari.


“Nahihiya at namumula siya. Hindi niya kaya!” sabi ni Beauty habang kinikiliti si Lassy. Ang naturang eksena ay nagdulot ng tawanan sa studio at nag-viral sa social media, kung saan naging paborito ito ng mga netizens.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts