Lala Sotto at Vice Ganda Muling Nag Cross ang Landas, Nagkairingan Diumano ang Dalawa?

 





Lala Sotto at Vice Ganda Muling Nag Cross ang Landas, Nagkairingan Diumano ang Dalawa?


Sa isang panayam, ibinahagi ni MTRCB Chairman Lala Sotto ang naganap na unang pagkikita nila ni Vice Ganda sa UNA Fashion Gala ni Paul Cabral sa The Laperal Mansion noong February 27. Ayon kay Lala, kahit hindi ito planado, sobrang tuwa siya sa pagkakataon na makipagkita kay Vice Ganda ng personal.


"Few days ago lang, we finally met... I was so, so happy to have finally met Vice Ganda. It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami dun. Nakakatuwa kasi nobody introduced us. I just, of course, knew na siya si Vice Ganda. Then, nagkataon lang kasi napakaraming tao, so nagkatapat kami. So ayan, nagkita kami, nagbeso kami… nakakatuwa. So happy, finally, nag-meet kami," kwento ni Lala.


Bagamat may naging isyu sa pagitan nila ni Vice Ganda, walang masamang sinabi ang komedyante sa kanya sa pagkakataong iyon, kaya't naging magaan at masayang pagkikita ito para kay Lala.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts