Kim Molina, Hindi Pinatawad ang Basher na Naghamak sa Trabaho ng Boyfriend na si Jerald Napoles

 



Kim Molina, Hindi Pinatawad ang Basher na Naghamak sa Trabaho ng Boyfriend na si Jerald Napoles 

Photo: Kim Molina/IG


Hindi napigilang sumupalpal ni Kim Molina ang isang basher na nagsabing mukhang kargador ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles. 


"Ano ba problema niyo sa pagiging ‘kargador’ eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw araw.


 Hindi ito dapat ikahiya… DO NOT UNDERESTIMATE THE IMPORTANCE OF THOSE PEOPLE WORKING FOR US," sagot ni Kim sa nasabing basher.



Sa parehong comment, inamin ni Kim na naging kargador noon si Jerald at ipinagmamalaki niya ang pinagdaanan ng kanyang boyfriend. "Alam mo bang totoong naging kargador si Jerald Napoles noon? YES. Isa ’yun sa mga trabahong pinasok niya nung hindi pa siya nag-aartista, bago pa mga teatro," sabi pa ni Kim.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts