Kim Chiu, Muntik na Matyugi ang Career dahil sa Kontrobersyang "Bawal Lumabas"

 



Kim Chiu, Muntik na Matyugi ang Career dahil sa Kontrobersyang "Bawal Lumabas"


Sa isang nakakaantig na pag-amin, inilarawan ng aktres at host ng Its Showtime na si Kim Chiu ang kanyang emosyon nang isipin niyang tapos na ang kanyang karera dahil sa kontrobersiyal na "Bawal Lumabas." Tandaan na maraming batikos ang tinanggap ng aktres dahil sa kanyang pahayag na "Bawal Lumabas" noon.


Sa isang ekslusibong panayam ng ABSCBN kay Kim, ibinahagi niya na hindi niya inaasahan ang tagumpay ng kanyang karera ngayon at mga proyekto.


“Happy, apaka-OA. Masaya. Hindi ko ine-expect. I thought I’m done. Gulat ako with everything,” sabi ni Kim “After ‘Bawal Lumabas’, so parang feeling ko, kaya sobrang napa-fragile ako lately. From FIT Check, Linlang, Showtime, tapos What’s Wrong with Secretay Kim. So, thankful talaga ako,” dagdag pa niya.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts