Kim Chiu Biglang Kinilig sa Banat ni Paulo Avelino sa It's Showtime

 





Kim Chiu Biglang Kinilig sa Banat ni Paulo Avelino sa It's Showtime


Mas lalong pinakilig nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang mga tagahanga dahil sa mga banat ng aktor sa host ng It's Showtime. Kamakailan lang, nag-guest si Paulo sa It's Showtime at tinanong siya ni Vhong kung ipo-promote niya si Kim, anong posisyon ang ibibigay niya rito.


“Hindi ko alam kung promotion ‘yung tawag doon, pero housewife,” sabi ni Paulo, na nagdulot naman ng tuwa sa mga manonood sa loob ng studio. Kinilig din ang maraming netizens sa sagot ni Kim sa tanong ni Paulo, na: “Nag-TESDA ka na ba?”


“Nag-TESDA na ako. Marunong na ako magluto, mamalantsa, maglaba. Alagaan kita,” sagot ni Kim. Sina Paulo at Kim ay magkasama sa Philippine adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim” na ipapalabas sa Viu sa March 18, 2024.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts