JK Labajo, Pinuri sa Pagiging Concern sa Sanggol na Dinala sa Kanyang Concert

 



JK Labajo, Pinuri sa Pagiging Concern sa Sanggol na Dinala sa Kanyang Concert

Photo: JK Labajo/IG


Pinuri ang aktor na si JK Labajo dahil sa kanyang pagiging maingat sa dalawang buwang sanggol na dinala sa kanyang kamakailang concert. 


Sa isang video na ibinahagi ng isang Facebook user na "LifeofEs," ipinakita si JK na kinarga ang nasabing sanggol.


Sa video, pinagsabihan niya ang mga magulang ng bata dahil sa pagkakaroon ng maririnig na ingay sa tainga ng sanggol. "Two months? Ba’t mo pinaparinig ng ‘ere’ ‘yung bata. 


Two months pa lang, maaga, huwag. Wala bang earmuffs si baby? Umiiyak na si baby okay lang ba ‘yan?” ani JK. Dagdag pa niya, "Yung mga bata, lalo na 'yung isang taon pababa, sobrang sensitibo pa ang kanilang mga tenga… Maraming salamat sa suporta, pero alagaan niyo si baby.”


Ang pagiging maingat at maunawain ni JK Labajo sa kalusugan ng sanggol ay umani ng papuri mula sa mga netizens.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts