Jake Ejercito, May Payo Para sa mga Batang Ama

 


Jake Ejercito, May Payo Para sa mga Batang Ama


Sa isang one-on-one interview kay Ogie Diaz sa "Ogie Diaz Inspires," ibinahagi ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang kanyang perspektiba bilang isang batang ama at nagbigay payo sa mga katulad niyang nasa ganitong sitwasyon.


Ayon kay Jake, bagamat mukhang madali, mahirap talagang maging isang batang ama. Inilahad niya kay Ogie na mahalaga ang pagiging handa hindi lamang sa aspeto ng pinansiyal kundi pati na rin sa mental at emosyonal na aspeto.


“It may look easy but it’s not," pahayag ni Jake. "Make sure na ready ka, hindi lang financially, but mentally, emotionally. Kasi kung hindi ka ready, anong mangyayari do’n sa anak mo, ‘di ba? So kung hindi ka ready, huwag mong gawin.”


Nagpapasalamat si Jake na bagamat hindi ito naging bahagi ng kanyang plano, mayroon siyang support system na nagbibigay gabay sa kanya. Isa sa mga ito ay ang yumaong ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose, na nagturo sa kanya kung paano alagaan ang anak.


Dahil sa hindi malaking agwat ng edad, natutuwa si Jake na parang magkapatid sila ni Ellie at hindi niya napapansin kung paano lumalaki ang kanyang anak.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts