Jake Ejercito May Banat kay Philmar Alipayo Bilang Stepfather ng Kanyang Anak

 


Jake Ejercito May Banat kay Philmar Alipayo Bilang Stepfather ng Kanyang Anak

Image: Screen grab from Ogie Diaz/YouTube


Nagbahagi ng kanyang saloobin si Jake Ejercito tungkol kay Philmar Alipayo, ang kasalukuyang partner ni Andi Eigenmann at stepfather sa anak niyang si Ellie. Sa isang panayam kay Ogie Diaz, ipinahayag ni Jake ang kanyang pasasalamat kay Philmar dahil sa pag-aalaga nito kay Ellie.


Ayon kay Jake, matagal nang magka-kilala at mabait si Philmar sa kanya tuwing bumibisita siya sa Siargao. Nagpapasalamat si Jake sa maayos na trato at pag-aalaga ni Philmar kay Ellie, na kasalukuyang nakatira sa kanilang tahanan.


"Si Philmar, I've met him several times pag pumupunta ako sa Siargao. He's been kind, courteous... Thankful lang din ako sa kanya kasi syempre si Ellie Nakatira sa bahay nila di ba? And as a stepfather, I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie. Wala namang reklamo si Ellie sa akin about him. So, very grateful ako na ganu'n. Hindi ko siya iniisip or pino-problema," sabi ni Jake. "So I'm sure that Ellie is in good hands kay Philmar and for that, nagpapasalamat ako talaga," dagdag pa niya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts