‘It’s Your Lucky Day’ Hosts Muling Nagkita-Kita, Papalit Daw sa ‘Tahanang Pinakamasaya?’

 





‘It’s Your Lucky Day’ Hosts Muling Nagkita-Kita, Papalit Daw sa ‘Tahanang Pinakamasaya?’


Nagpakita ng muli nilang pagkikita ang mga dating co-hosts sa noontime show na “It’s Your Lucky Day,” na agad namang nagpalabas ng tanong sa isipan ng mga netizens kung sila ba ang papalit sa "Tahanang Pinakamasaya" ng GMA Network.


Sa isang Instagram post ni Kapamilya TV host-actor Luis Manzano nitong Lunes, Marso 11, ipinakita niya sa isang video ang mga co-hosts na kasama niya. Tanong ni Luis sa caption, “Bakit kaya magkakasama kami ulit 😂😂😂😂Hey hey !” at sinabi ni Long sa dulo na abangan na daw ito ng mga tao.


Sa video, nasilip na nasa set sila ng “I Can See Your Voice” na hino-host ni Luis, kasama ang ilang co-hosts na nabanggit.


Kasabay ng mga spekulasyon tungkol sa kanilang pagkikita, umani rin ng mga reaksiyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing mukhang nagbabalik ang “It’s Your Lucky Day” at posibleng kapalit ito sa nabanggit na noontime show ng GMA Network. May ilan namang nagpahayag ng kanilang pangamba na baka magkaroon ng conflict sa oras kung magtatapat ang kanilang show at ang "It’s Showtime."


Samantala, tila wala pang pahayag mula sa mga hosts kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang pagkikita-kita.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts