It’s Showtime’ ng ABS-CBN, Papalit sa ‘Tahanang Pinakamasaya’ ng GMA-7

 




It’s Showtime’ ng ABS-CBN, Papalit sa ‘Tahanang Pinakamasaya’ ng GMA-7


Batay sa ulat ng Philstar, ang noontime show ng Kapamilya Network na "It’s Showtime" ang inaasahang papalit sa "Tahanang Pinakamasaya" ng GMA Network. 


Ayon sa Pilipino Star Ngayon's L Guerrero, na nabanggit sa artikulo ng Philstar, nagpa-finalize na umano ang ABS-CBN at GMA para sa mga detalye ng paglilipatan ng nasabing programa.


Noong Hulyo, lumipat ang "It’s Showtime" sa GTV ng GMA Network matapos i-decline ang alok ng TV5 na gawin itong delayed telecast para bigyan ng puwang ang "Eat Bulaga" nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. 


Sa kasalukuyan, ang mga Filipino movies ang mapapanood sa timeslot ng tanghalian ng GMA-7 matapos ang pagtatapos ng "Tahanang Pinakamasaya."



No comments:

Post a Comment

Popular Posts