Ex-lover at Anak ni Francis M, Bumalik Diumano kay Boss Toyo?

 







Ex-lover at Anak ni Francis M, Bumalik Diumano kay Boss Toyo?


Bumalik sa kilalang vlogger na si Boss Toyo sina dating karelasyon ni Francis Magalona na si Abegail Rait at ang kanilang anak na si Gaile Francesca upang ibigay ang ilang memorabilia ng yumaong Rapper. Ibinahagi ni Boss Toyo ang pangyayari sa kanyang kamakailang episode ng YouTube series na Pinoy Pawnstars. Noong Oktubre 17, 2023, unang pumunta si Abegail sa tindahan ni Boss Toyo at doon niya ibinahagi na may relasyon sila ni Francis M at mayroon silang anak na si Gaile Francesca, na ngayon ay 15 taong gulang na.


Sa kanilang pagbabalik, ibinigay nila ng libre ang mga larawan na kuha ni Francis M sa iba't ibang lokasyon gaya ng Vietnam, Pampanga, at Cebu nang siya ay naging bahagi pa ng Camera Club of the Philippines. Bawat larawan ay mayroong pirma ng yumaong rapper. Ayon kay Abegail, ibibigay niya ito kay Boss Toyo bilang isang token of appreciation.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts