DENR Naglabas ng Pahayag Tungkol sa Captain's Peak Resort sa Gitna ng "Chocolate Hills"

 



DENR Naglabas ng Pahayag Tungkol sa Captain's Peak Resort sa Gitna ng "Chocolate Hills"


Ipinahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang opisyal na pahayag kaugnay sa trending na Captain's Peak Resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol. Ayon sa kanilang pahayag, noong 2023 ay ipinalabas nila ang isang temporary closure order para sa nasabing resort.


Bukod dito, ayon pa sa pahayag ng DENR, naglabas rin sila ng notice of violation noong Enero para sa pagpapatakbo ng resort nang walang environmental compliance certificate (ECC). Noong 1997 ay dineklara bilang protected area ang nasabing atraksyon at itinakda bilang National Geological Monument and Protected Landscape.



Dagdag pa ng DENR, bago pa man ideklara bilang protected area ang Chocolate Hills, ang pagmamay-ari ng lupa ay kinikilala at nirerespeto ang kanilang karapatan sa lupa.






No comments:

Post a Comment