Claudine Barretto Nagasalita na Tungkol sa Pagkikita nina Julia Barretto at Bea Alonzo

 




Claudine Barretto Nagasalita na Tungkol sa Pagkikita nina Julia Barretto at Bea Alonzo


Nagbigay ng kanyang reaksyon si Claudine Barretto sa pagkikita ng kanyang kapatid na si Julia Barretto at si Bea Alonzo kamakailan sa isang tribute para kay Mr. M o Johnny Manahan. 


Viral ang video ng dalawa na nagbeso-beso at tila nagkakatuwaan sa nasabing event. Sa isang panayam ng ABSCBN News, tinanong si Claudine tungkol sa kanilang interaksyon.


"Sobrang na-happy ako doon," sabi ni Claudine. "That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang. Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya. Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, hindi, sama siya sa akin," dagdag pa niya.


Saad pa ng actress, sa tingin niya ay nakapag-move on na si Bea sa mga naunang isyu nila noon ni Julia. Naalala ang umano'y love triangle issue noong 2019 sa pagitan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts