Claudine Barretto, Defensive sa Isyu ng Binawing Imbitasyon kay Jodi Sta. Maria?

 



Claudine Barretto, Defensive sa Isyu ng Binawing Imbitasyon kay Jodi Sta. Maria?


Binasag na rin ni Claudine Barretto ang kanyang katahimikan sa isyu na umano'y kanyang kinalaman sa pagkakabinawi ng imbitasyon kay Jodi Sta. Maria sa birthday ni Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M. Ayon sa ulat ng pep.ph, kinumpirma ni Claudine na mayroon siyang nalalaman tungkol sa nasabing isyu, ngunit itinanggi niyang may kinalaman siya dito.


“No! Hindi ko alam yan,” sabi ng actress sa isang panayam. “Yun nga, e. Ang daming naglalabasan na issues na ganyan. Gusto ko lang iklaro na wala ho akong alam diyan."


Ipinaliwanag rin ni Claudine na si Jodi Sta. Maria ay may karapatan ding dumalo sa naturang pagdiriwang, lalo na't ito ay isang tribute para kay Mr. M. "So, hindi po totoo yun. Wala po akong ganung power para gawin yun. Hindi talaga,” pahayag pa niya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts