Cardi B Mukang Napasubo at Napasuko ng Tikman ang Balut

 



Cardi B Mukang Napasubo at Napasuko ng Tikman ang Balut.



Balita: "Cardi B, Hindi Kinaya ang Balut: 'Hindi Para sa Akin'"


Nag-viral sa social media ang TikTok video ni Cardi B, kung saan sinubukan niyang tikman ang sikat na pagkaing Pinoy mula sa Pateros—ang balut o duck embryo.


Sa kanyang video, sinubukan ni Cardi B na i-rate ang balut mula 1 hanggang 10. Bagamat nagustuhan niya ang lasa ng sabaw, napaluwa siya at napahiyaw nang makita ang duck embryo. Hindi rin niya kinaya ang dilaw na bahagi ng balut at sinabi na hindi ito para sa kaniyang panlasa.


"I’m not gonna rate it from 1-10, I’m just gonna say that it’s not for me," aniya.


Kahit na hindi nagustuhan ni Cardi B ang balut, pinuri siya ng mga netizen sa kanyang pagiging marangal at respeto sa pagkakaiba ng panlasa ng mga tao.


Hindi ito ang unang pagkakataon na nasubukan ni Cardi B ang Filipino food. Noong 2020, nasubukan na rin niya ang lumpia, pansit, at buko salad at nagustuhan naman niya ang mga ito.


Kumpara kay Benny Blanco na nauna nang nagbigay ng negatibong komento tungkol sa ilang pagkain sa Jollibee, mas pinuri ng mga netizen ang pagiging respectful at brave ni Cardi B sa pagsubok sa balut, at pagiging maingat sa kanyang mga salita.



@iamcardib #balutegg ♬ original sound - Cardi B

No comments:

Post a Comment

Popular Posts