Anne Curtis Naglabas ng Saloobin Tungkol sa Ipinatayong Resort sa Gitna ng Chocolate Hills

 




Anne Curtis Naglabas ng Saloobin Tungkol sa Ipinatayong Resort sa Gitna ng Chocolate Hills


Nagpahayag ng kanyang saloobin ang aktres na si Anne Curtis kaugnay sa trending ngayon na resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol. Nalungkot si Anne sa balitang ito, dahil kabilang daw ang Chocolate Hills sa mga "magandang natural wonders ng ating bansa."


"Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country," sabi ni Anne. Ang video ng nasabing resort ay ibinahagi ng isang twitter user na si "@pauloMDtweets," na umani ngayon ng maraming reaksyon.


Nagdulot ng pag-aalala ang nasabing resort sa ilang mga tao, kasama na si Anne, dahil maaaring maapektuhan nito ang ecosystem ng paligid. Nagtanong ang uploader ng video, "Paano pinayagan magpatayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol? Hindi ba ma-didisturb ang ecosystem ng paligid? Pwedeng magkaroon ng mga soil erosion and baka masira ang mga hill formations within the vicinity of the resort?"


No comments:

Post a Comment

Popular Posts