Andrea Brillantes, Deadma at Wa Pakels sa Star Magical Prom 2024?

 



Andrea Brillantes, Tumangging Dumalo sa Star Magical Prom 2024?


Hinahalukay ngayon ng social media ang tanong kung inisnab nga ba ni Andrea Brillantes ang Star Magical Prom 2024. 


Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens ang kanyang pagkawala sa nasabing okasyon. Isa ito sa mga paksang pinag-usapan sa sikat na YouTube show na Showbiz Update Vlog, kung saan pinag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi ang di pagdalo ni Andrea sa nasabing event.


Sa nabanggit na programa, ipinaliwanag ni Ogie Diaz na base sa kanyang source, naka-birthday leave raw si Andrea Brillantes. Ayon sa kanyang impormante, plano sana ni Andrea na magbakasyon sa Estados Unidos para sa kanyang kaarawan. Ngunit, hindi ito natuloy. 


Dagdag pa ni Ogie, “Gustuhin man daw nu’ng bata na umattend, hindi ito nakapag-prepare ng isusuot. Kaya lang nga, eh birthday leave niya.” Ang kawalan ni Andrea sa nasabing prom event ay patuloy na pinag-uusapan sa online na komunidad, na nagpapakita ng interes ng mga tao sa mga pangyayari sa mundo ng showbiz.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts