Alex Gonzaga, Napagkamalang si Whamos, Atty. Chel Diokno

 



Alex Gonzaga, Napagkamalang si Whamos, Atty. Chel Diokno

Ibinahagi kamakailan ng TV host at social media personality na si Alex Gonzaga ang kanyang ginawang hakbang upang maibsan ang pangungulila sa kanyang mister na si Lipa City, Batangas Councilor Mikee Morada.


Upang hindi mamiss ang kanyang mister habang ito ay malayo, nagpa-customized siya ng punda ng unan na may mukha ni Mikee. Sa ganitong paraan, kahit wala ito sa tabi niya, sa tuwing matutulog si Alex, parang yakap na rin niya ang kanyang mister.


"Matutulog ng mahimbing kapiling ka kahit malayo sa isa’t – isa ❤️‍🩹😭😂," ani Alex habang ipinapakita ang ilang larawan kung saan makikitang yakap-yakap niya ang unan na may larawan ng mister.


Dagdag pa niya ang hashtag na #Clingywiferockzzz. "Feeling 😅," komento naman ng kanyang ate na si Toni Gonzaga-Soriano.


Ngunit nagulat ang ilang netizens sa comment section dahil may ilan sa kanila ang nagkamali at inakalang si Whamos Cruz, isang social media personality, ang nasa larawan. May iba naman ang nagduda at inakalang si Atty. Chel Diokno, isang kilalang abogado at dating senatorial aspirant, ang nasa larawan.


Ang mga komentong ito ay nagdulot ng pagtataka at katatawanan sa online na nakakaloka nga.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts