Alden Richards at Jericho Rosales, Dumalo sa Kaarawan ni Kathryn Bernardo

 



Alden Richards at Jericho Rosales, Dumalo sa Kaarawan ni Kathryn Bernardo


Photo: lovelyabella_/IG


Nakita sina Alden Richards at Jericho Rosales sa pagdiriwang ng ika-28 na kaarawan ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo. 


Kilala si Kathryn Bernardo bilang isang mahusay na aktres dito sa Pilipinas, na itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na artista dahil sa kanyang mga blockbuster movies. 


Ang kanilang pelikulang "Hello, Love, Goodbye," na pinagbidahan nila ni Alden, ay tinaguriang bilang highest-grossing Filipino Film of All Time.


Nitong ika-26 ng Marso, nagdiwang ng kaarawan si Kathryn at nakita nga ang presensya nina Alden at Jericho. 


Kasama rin sa mga dumalo ay sina Dominic Roque, Kakai Bautista, Maymay Entrata, at Lovely Abella. Ipinakita ng mga larawan at video ang kaligayahan ni Kathryn sa kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga kaibigan sa industriya, na nagdulot ng kasiyahan sa maraming netizens.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts