Xyriel Manabat, Hinangaan ng Netizens Dahil sa Kanyang Disiplinadong Pananaw sa Showbiz

 

Image: Xyriel Manabat/Instagram




Xyriel Manabat, Hinangaan ng Netizens Dahil sa Kanyang Disiplinadong Pananaw sa Showbiz


Ang batang aktres na si Xyriel Manabat ay nananatiling nakatutok sa kanyang career at hindi pinapasok sa kanyang isip ang kanyang kasikatan, ayon sa isang panayam. Sa video na inilabas ng AltStarMagic, sinagot ni Xyriel ang tanong tungkol sa takot na hindi tanggapin ng publiko kapag bumalik siya bilang isang teen actress. 

Matapos ang tanong, iginiit ni Xyriel na mula pa siya noon, hindi niya iniisip ang kasikatan at mas binibigyang-pansin ang kanyang talento kaysa sa fame. "Hindi ko po talaga inisip na kilala ako, mas kilala ako... Hindi ko po 'yun priority, ang gusto ko po umarte," pahayag niya.

Pinuri ng mga netizens ang pananaw ni Xyriel na nananatiling disiplinado sa kabila ng industriya ng showbiz na maaring maging puno ng kasikatan at publicity. 

Ibinahagi rin niya ang kanyang layunin na nagfofocus sa pagganap at hindi sa kasikatan.




No comments:

Post a Comment

Popular Posts