Xian Gaza May Payo Para Makaiwas Sa Breakup.





Sa kabila ng mga hiwalayan sa showbiz, iginiit ni Xian Gaza ang kahalagahan ng pagtitiwala sa "tunay na pag-ibig." Binanggit ni Gaza ang nakitang sweet na mag-asawang senior citizen, kung saan ibinahagi niya ang kanyang opinyon ukol dito sa kanyang Facebook post.


"Iba pa rin talaga yung may kasama ka sa pagtanda 'no?" anang Gaza, na nagpapahayag ng paghanga sa matagal nang magkasama at nagmamahalan na mag-asawa. Sa kabila ng mga hiwalayan sa mundo ng showbiz, pinayuhan ni Gaza ang mga tao na huwag mawalan ng pananalig sa tunay na pag-ibig.


Binanggit niya ang mga hiwalayang nangyari sa mga sikat na love teams tulad nina KathNiel, KimXi, at BeaDom, at nagbigay ng payo na hindi dapat gawing pamantayan ang buhay ng mga celebrities. Sa halip, iminungkahi niya na tignan ang mga halimbawa ng matatandang mag-asawang Pilipino na magkapiling hanggang sa huling hininga, bilang inspirasyon ng tunay na pag-ibig.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts