Viral na Video ni Baby Peanut, Tumatawa Habang Pabirong Pinapagalitan ni Luis Manzano

 

Image: Screen Shot from Luis Manzano/Instragam Video

Viral na Video ni Baby Peanut, Tumatawa Habang Pabirong Pinapagalitan ni Luis Manzano


Isang nakakatuwang video ni Baby Peanut, ang anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ang umantig sa damdamin ng maraming netizens. 


Sa post ni Luis sa kanyang Instagram page, ipinakita ang isang nakakakilig na sandali kasama ang kanyang isang-taong gulang na anak. 


Makikitang nagtatawanan sina Luis at Baby Peanut, habang pabirong pinapagalitan ng ama ang masigla at masayang baby. Sa caption, ibinahagi ni Luis ang kaligayahan ng pagiging ama kay Baby Peanut, "Paano kita papagalitan paglaki mo Peanut, tinatawanan mo lang si Papa."


Nagdulot ito ng saya at pagmamahal mula sa mga netizens, at marami sa kanila ang nagbigay ng kanilang komento sa post na nagpapahayag ng kasiyahan sa magandang ugnayan ng ama at anak.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts