Sam Milby at Catriona Gray Hiwalay Na

  



Sam Milby at Catriona Gray Hiwalay Na

Image: Sam Milby and Catriona Gray/FB/IG


Ayon sa source ni komedyante at TV host na si Ogie Diaz, hiwalay na diumano sina Sam Milby at Catriona Gray. 


Sa kanyang latest showbiz update vlog, ibinahagi ni Ogie ang impormasyon na natanggap niya tungkol sa tunay na sitwasyon ng relasyon ng dalawa. "Ano ba talaga ang real score, Sam Milby at Catriona Gray?.. Sa akin may nagsabi na wala na sila," kwento ni Ogie sa kanyang vlog.


Ang source ni Ogie ay nagpahayag na magkaibigan na lang ang naging turingan nina Catriona at Sam pagkatapos ng kanilang hiwalayan. 


"Magkaibigan na [lang] sila... nung birthday ni Catriona Gray wala na sila… nandun naman si Sam [sa birthday] pero sila’y magkaibigan na lamang," dagdag pa ng source. Binanggit rin ni Ogie ang isang insidente kung saan hindi isinuot ni Catriona ang kanyang singsing sa isang event, at ayon sa source niya, maaaring ito ay dahil napagtanto ni Sam na hindi pa siya handa sa kasal.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts