Sa isang episode ng Eat Bulaga sa TV5, nagkaruon ng masiglang palitan ng hirit sina Ryzza Mae Dizon at ang aktor na si Enrique Gil, na bisitang-promote ng kanyang bagong pelikula na "I Am Not Big Bird." Sa nasabing segment na "Peraphy," kitang-kita ang kilig ni Ryzza kay Enrique.
Matapos purihin ni Enrique ang kanyang ka-cute-an, binuking si Ryzza ng kanyang mga kasamahan na mayroon siyang "crush" kay Enrique. Sa halip na mahiyain, nagbigay ng pick-up line si Ryzza kay Enrique na ikinatuwa ng mga tao sa studio.
“Quen ka ba?” tanong ni Ryzza kay Enrique.
“Bakit?” sagot ni Enrique.
“Pwede ka bang maging a-Quen [akin]?” hirit naman ni Ryzza.
Dahil dito, naghiyawan ang mga audience sa studio, at kitang-kita ang masayang eksena sa palabas.
No comments:
Post a Comment