Ogie Diaz, Ibinunyag na Nakarating kay Kris Aquino ang Mensahe ng Mga Faith Healers

 



Ogie Diaz, Ibinunyag na Nakarating kay Kris Aquino ang Mensahe ng Mga Faith Healers


Faith Healers, Nagpahayag ng Hangaring Gamutin si Kris


Pebrero 27, 2024 — Sa kanyang Showbiz Update Vlog, ibinunyag ni Ogie Diaz na nakarating kay Kris Aquino ang mga mensahe mula sa ilang faith healers na nais siyang gamutin. Isa itong bahagi ng usapin tungkol sa kalusugan ni Kris na unang inilabas niya sa show ni Boy Abunda.


Sa kanyang vlog, ipinasalaysay ni Ogie na maraming nagmeme-message sa kanya tungkol sa kanilang hangaring tulungan si Kris sa pamamagitan ng herbal at alternatibong gamot, pati na ang mga faith healing.


"Alam niyo sa totoo lang, andaming nagme-message sa akin paano raw makakarating kay Kris yung kanilang mensahe na gusto siyang gamutin. Gusto siyang idaan sa herbal... alternative medicine. At saka yung mga faith healing na gusto nilang isagawa kay Kris. 'Yan sa totoo lang lahat ay nakarating kay Kris," pahayag ni Ogie.


Ngunit sa kabila ng mga suggestiyon, sinabi ni Ogie na nananatili ang paniniwala ni Kris sa Panginoon at sa Kanyang plano para sa kanyang kalusugan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts