Napapabalitaan diumano na si Dominic Roque Madalas Daw na Nasa Harap ng Bahay ni Bea Alonzo

 


Ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, may source siya na nagsabing madalas na nakikitang nasa labas ng bahay ng dating kasintahan na si Bea Alonzo ang aktor na si Dominic Roque.


 Sa kanyang programa na "Showbiz Update," ibinahagi ni Ogie na may malakas siyang kutob na magkakasundo at magkakaayos ang dalawa at baka sakaling magkabalikan.


"Feeling ko talaga magkakasundo, magkakaayos, baka sakaling magkabalikan itong si Bea at si Dominic," sabi ni Ogie.


"Dahil alam mo ba, ilang gabi na raw na laging nandoon sa harap ng bahay ni Bea si Dominic. Andoon lang ito sa kotse. Hinihintay ang pagdating ni Bea," dagdag ni Ogie.


"Nakasindi lang iyong kanyang makina. Andoon lang siya, waiting. Iyon ang ayon sa source ko," pahayag ni Ogie.


“Naniniwala ako dun sa source ko. Kasi nung nililigawan pa ni Dominic si Michelle Vito, nung sila, pinipigilan pa noon at hindi pabor ang mommy ni Michelle Vito kay Dominic. Alas-singko ng umaga… andoon sa tapat ng La Salle, naka-park lang si Dominic Roque, hinihintay ang pagdating ni Michelle Vito,” amin ni Ogie.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts