Mayor Bullet Jalosjos Itinangging 'Sugar Daddy' ni Dominic Roque, Nagbigay ng Klaripikasyon

 


Mayor Bullet Jalosjos Itinangging 'Sugar Daddy' ni Dominic Roque, Nagbigay ng Klaripikasyon


Dapitan City, Pebrero 22, 2024 — Itinangging "sugar daddy" ni Dominic Roque si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos matapos ang mga bali-balita na siya raw ang nagpopondo sa aktor. Lumutang ang alegasyon dahil sa pag-aari umano ni Jalosjos ng condominium unit kung saan naninirahan si Roque.

Sa isang panayam kay Jay Ruiz, kinumpirma ni Jalosjos na siya nga ang may-ari ng condo ngunit nilinaw na nire-rentahan ito ni Dominic.

"Clarify ko lang, actually 'yung condo totoong akin talaga 'yon. Ginawa ko siyang AirBnB. Syempre, as a friend, barkada, si Dom, asked me if I want to have it rented. Natawa na nga lang ako bakit tumalon 'yung issue sa business na binahay na," paliwanag ni Jalosjos.

Idinagdag ni Jalosjos na binigyan niya ng 50% discount si Dominic sa rental fee dahil pumayag itong sagutin ang lahat ng gastusin sa repair at renovation ng nasabing unit.

“Sana naman itong mga nagkakalat, claiming they are mga batikang journalist, sana naman ingat ingat rin. They have responsibility to the people dapat fact-finding. Hindi yung nalaman nila nasa pangalan ko 'yung condo sugar daddy na 'ko bigla. Ang problema doon sinakyan, ginagaslight nila 'yung issue," pahayag ni Jalosjos.

“Naawa rin kami kay Dom. Affected na nga yung tao sa breakup ililink pa kami sa kaniya. Kami pinagtatawanan lang talaga namin pero at some point kailangan talagang tumigil and I think these people have to be reprimanded. Kailangan may consequences, may batas tayo," dagdag pa ni Jalosjos.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts