Mark Leviste, Nagbigay Ng Romantikong Birthday Message Kay Kris Aquino

 





Binati ni Batangas Vice Governor Mark Leviste si Kris Aquino sa kanyang kaarawan. Sa isang naka-record na video na inilabas sa Abante YouTube channel, ipinarating ni Mark kung gaano kahalaga at espesyal si Kris sa kanyang buhay.


"Maligayang kaarawan sa babaeng nasa aking mga pangarap, sa aking buhay, at sa aking universe. Noong nakaraang Pasko, ibinigay ko sayo ang aking puso at binigay mo rin ang iyo sa akin. Pinapasalamatan kita at ang mga bata sa pagtanggap sa akin sa inyong tahanan at para sa akin, ikaw ang pinakamagandang regalo na maaaring ibigay sa akin," ani Mark.


"Mahal, para sa'yo gusto ko lamang maging tama. At asahan mong ang ating pagmamahalan ay magpapatuloy na magliwanag kahit sa gitna ng mga pag-angat at pagbagsak, mga paghihiwalay at mga pangako. Palaging itatangi kita at palaging ikaw ang pipiliin ko.


Sa espesyal na araw na ito, ipinagdarasal ko rin na pagpalain ka ng Diyos ng mas mabuting kalusugan, wagas na kaligayahan, at patuloy na kasaganaan. Nagpapasalamat din ako sa Diyos sa pagpapala sa akin at sa aking pamilya ng isang kahanga-hangang babae, kasosyo, at kaibigan.


"Basta, mahal, dasal at laban lang tayo," wika ni Mark.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts