Maris Racal Tapat na Ibinahagi Kung Paano Nagsimula ang Love Story Nila ni Rico Blanco

 

Maris Racal Tapat na Ibinahagi Kung Paano Nagsimula ang Love Story Nila ni Rico Blanco


Sa isang latest vlog sa YouTube channel ni celebrity doctor Vicky Belo, buong puso na ibinahagi ni "Can't Buy Me Love" star Maris Racal kung paano nagsimula ang kanyang love story kasama ang OPM icon na si Rico Blanco. Sa pag-amin ni Maris, inaamin niyang matagal na niyang iniidolo si Rico.


"Hindi ko ina-expect na siya yung ibibigay ni Lord hindi yung younger version," ayon kay Maris.


Kuwento ni Maris, nagsimula ang kanilang love story sa isang post sa kanyang social media kung sino ang pwede niyang maka-collab sa isang kanta na isinulat niya. Marami raw ang nagta-tag kay Rico, at napansin siya ng dating iniidolo. Kwento ni Maris: "Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry! And then one day, bigla nalang siyang nag-aya ng hindi movie e, parang yung play ng Eraserheads. Kasi in-invite siya... kasi music event naman. Hindi pa rin halata."


"And then ako 'yung nagsabi na, huh? Nahihiya ako! Ta's sabi ko nalang may movie akong gustong panoorin... Ta's hindi natuloy yung movie, nag-change yung mind ko. Punta nalang tayo sa event ni Rambo, kasi common friend namin si Rambo... Ang dami kasing nangyayari sa araw na 'yun. 'Punta nalang tayo sa event ni Rambo'."


"Ang cute pa ng moment na 'yun. Kasi si Rambo, parang kinikilig pa. Parang nagkakamabutihan sila ni Ate Maja ulet, so sobrang sabay namin together."


Ang pag-amin ni Maris sa kanilang love story ay nagbigay tuwa at kilig sa kanyang mga tagasuporta at fans, at abangan pa ang mga susunod na kabanata ng kanilang kwento.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts