Maja at Enrique, Magbabalik sa "ASAP Natin 'To," May Fresh Pasabog mula kay Sarah G
Pasiglahin ang inyong long weekend sa mga inaabangang pagbabalik at sorpresa ng mga paboritong bituin ngayong Linggo (Pebrero 11) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang pinakahihintay na pagbabalik ng Majestic Superstar na si Maja Salvador sa "ASAP" stage, kung saan ipapakita niya ang kanyang pinakabagong single performance. Kasabay nito, ang Kapamilya heartthrob at bida ng "I Am Not Big Bird," si Enrique Gil, ay magtatanghal din sa isang malaking comeback.
Paiinitin naman ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang inyong Linggo sa isang espesyal na edisyon ng "Sarah G Specials."
Maagang maramdaman ang bugso ng Feb-Ibig sa pa-Valentine's nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Nina, Vina Morales, Janine Gutierrez, at Edward Barber.
Sasabak sa senti hits showdown nina Jona, Jed Madela, Kyla, Frenchie Dy, at Sheryn Regis. Mapapa-kilig naman sa hatawan ng dance heartthrobs na sina Jameson Blake, Jeremy G, Aljon Mendoza, Edward, at Joshua Garcia.
Muling maririnig ang boses ng kabataan sa pagbabalik ng "The Voice Teens," kung saan magbibigay ng todo birit performances sina Martin, KZ, Darren, at ang fan favorite ng "The Voice US" Season 19 na si Ryan Gallagher.
Tutok sa triple "Clash Dance" showdown ng global Pinoy dance idols na sina Gab Valenciano, Gela Atayde, at Ken San Jose. Hindi rin magpapahuli ang mga fresh kantahan nina Moira dela Torre kasama sina Martin, Erik, at Ogie, pati na rin ang bagong single performance ni Yeng Constantino.
Maghanda rin para sa En Vogue hits biritan nina Regine, Vina, Sheryn, Frenchie, at Bituin Escalante.
Sa mga romantic classics na kantahan nina Martin, Zsa Zsa, Erik, Ogie, at Regine, maantig ang inyong puso sa early Valentine's edition ng "The Greatest Showdown."
Mapapanood ang lahat ng ito ngayong Linggo, 12 NN sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at sa buong mundo via TFC.
No comments:
Post a Comment