Kristoffer Martin kay Kathryn Bernardo: 'Tuloy natin ang Endless Love'

 



Kristoffer Martin kay Kathryn Bernardo: 'Tuloy natin ang Endless Love'


Ibinahagi ng aktor na si Kristoffer Martin ang kanyang interes na makatrabaho muli ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Sa isang fast talk with Boy Abunda, tinanong si Kristoffer kung magkaibigan pa rin sila ni Kathryn, na unang naging kalove-team ng aktres sa GMA show na "Endless Love."


“Sana [friends]. But nagkikita kami sa mga events, naghi hello pero ‘yung personal na nagmemessage hindi po,” sabi ni Kristoffer. Nagbigay rin siya ng mensahe kay Kathryn: “Kath, baka naman. Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’. Tuloy natin. Gandang following non.”


Ang "Endless Love" ay ipinalabas noong 2010, kung saan ginampanan nina Kathryn at Kristoffer ang mga batang bersyon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na hango rin sa Korean drama na "Autumn in My Heart."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts