Kris Aquino, may Hiling kay Boy Abunda Habang Susubukan ang Bagong Gamot



Kris Aquino, Ibinilin ang mga Anak kay Boy Abunda Habang Susubukan ang Bagong Gamot


Sa segment na "Fast Talk" ni Boy Abunda, ibinahagi ni Kris Aquino ang mga kasalukuyang pangyayari sa kanyang kalusugan. 

Ayon kay Kris, magiging bahagi siya ng isang pagsusuri at pagsubok sa bagong gamot na may kaakibat na panganib. Binanggit ni Kris na kahit may risk ang naturang gamot, kailangan itong subukan at magsisimula ito sa isang "baby dose" sa Lunes.

“May gamot na susubukan but there’s a very big risk involved with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito nang hindi ka muna binibigyan ng steroids. You need it para hindi ka magkaroon ng anaphylactic shock. 

On Monday magbe-baby dose muna ako, titingnan nila kung kakayanin ko,” ani Kris.

Sa pagkakataong ito, nagpasalamat si Kris kay Boy Abunda sa pagmamahal, pag-aalaga, at suporta. Inilapit din niya ang mga anak sa kanilang tiyo na si Boy Abunda habang isinasailalim siya sa mga medikal na pagsusuri. 


Tinukoy ni Kris na may mga kaibigan siyang handang dumalaw at alalayan ang kanyang mga anak habang siya'y nasa proseso ng pagsusuri.


“I’m entrusting with you because the two will actually be going home in two weeks,” pahayag ni Kris kay Boy Abunda. Nangako rin si Kris ng kanyang dasal at humingi ng suporta mula sa mga tagasuporta.



3 comments:

  1. Get well soon miss Kris! Si Lord na bahala sayo, manalig at magdasal. Hindi ka nya pababayaan. Laban lang Laban l sa buhay!

    ReplyDelete
  2. I'm always praying for you to surpass all your illnesses in GOD's grace Miss Kris....keep going ❤️🌹❤️🌹

    ReplyDelete
  3. kasama ka lagi sa aking prayer Mam Kris, na ipagkaloob ng ating Lord Jesus ang miracle healing for you dhl SIYA ang great physician natin, noon, ngaun at magpakaylanman.IloveyouMamkris🥰

    ReplyDelete

Popular Posts