Kris Aquino - "I really want to stay alive...Nagtitiwala ako sa dasal, na kakayanin pa 'to," ani Kris.



Kris Aquino, sa isang tapat na pag-amin, ay nagbahagi tungkol sa kanyang pangkalusugan sa isang panayam niya sa show ni Boy Abunda sa GMA Network. 


Inilahad ni Kris ang katotohanan ukol sa kanyang bagong therapy na sinimulan niya nitong Lunes para sa kanyang puso.


"Ang tagal niyo na akong pinagdarasal, but I really need it now. On Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart," sabi ni Kris.


"Kung hindi ito tumalab Boy, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. 


Pwedeng in my sleep or kung ano man ang ginagawa ko. Pwedeng tumigil na lang ‘yung pagtibok ng puso ko," dagdag pa niya. Kaya naman hiling ni Kris ang patuloy na panalangin mula sa kanyang mga tagasuporta.


"I really want to stay alive...Nagtitiwala ako sa dasal, na kakayanin pa 'to," ani Kris.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts