Kim Chiu at Gerald Anderson, Viral at Usap-Usapan Matapos ang "EXpecially For You" Episode sa It's Showtime



 Kim Chiu at Gerald Anderson, Viral at Usap-Usapan Matapos ang "EXpecially For You" Episode sa It's Showtime


Matapos ang episode ng "EXpecially For You" sa It's Showtime, agad naging usap-usapan sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa social media. Sa episode na ito, nagkaruon ng biruan na si Kim Chiu ang susunod na sasalang sa show para maghanap ng bagong date.


Mabilis na kumalat ang balita at kinagat ito ng netizens, na nagbigay ng iba't ibang opinyon ukol sa posibilidad ng pagbabalik-tambalan nina Kim at Gerald. May ilang nagmungkahi na si Gerald ang "EX" na magbigay gabay kay Kim sa paghahanap ng kanyang bagong "searchee."


Dagdag pa, may mga nagsasabi na si Paulo Avelino ay isa sa mga dapat pagpipilian para maging ka-partner ni Kim sa mga proyektong gaya ng "Linlang" at "What's Wrong with Secretary Kim."


Ang tambalang Kimerald, na sina Kim at Gerald, ay naging kilala noong kanilang pagsasama bilang magkasintahan. Subalit, noong 2010, naghiwalay ang dalawa, na ikinasorpresa at lungkot ng kanilang mga tagahanga.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts