Kathryn Bernardo: "Ayoko na may nagdi-dictate sa akin"






 Kathryn Bernardo: "Ayoko na may nagdi-dictate sa akin"


Ipinahayag ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanyang mga tagahanga na nagbigay sa kanya ng kanilang pagmamahal at pang-unawa. Sa isang panayam ni MJ Felipe para sa digital series na 'On Cue,' ibinahagi ni Kathryn na maayos niyang nauunawaan ang pinagdaanan ng kanilang mga tagahanga nang malaman ang tungkol sa kanyang hiwalayan.


"Naiintidihan ko yun, lahat ng emotions nila, lahat ng pinagdaanan nila nung month na yun, week na yun. Naiintindihan ko yun but mahirap din sa akin, mahirap din sa amin," simula ni Kathryn.


"Ako 'yung klase ng tao na ayokong feeling ko hindi ko hawak 'yung buhay ko, ayoko na may nagdi-dictate sa akin. It was a challenging year for everybody, especially the last quarter, and for the fans as well," dagdag ni Kathryn.


Sa kabila ng kanyang nararamdaman, na-appreciate ni Kathryn ang suporta ng kanyang mga tagahanga at ang pagpapahalaga sa kanyang personal na desisyon. "Doon ko na-feel na grabe, itong mga tao ito, more than their support and anything, nakikita ka nila as tao. Ang galing, ibang klase sila," pahayag ni Kathryn.


"Nag-thank you ako, yun yung hindi nila pina-feel sa akin na I need to explain anything, they respected that. Slowly, things are getting better," dagdag ni Kathryn.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts