Julia Barretto, Tumugon sa mga Usap-usapan Tungkol sa Hiwalayan kay Gerald: "Ituturing ko na Lang Bilang Komplimento"

 




Julia Barretto, Tumugon sa mga Usap-usapan Tungkol sa Hiwalayan kay Gerald: "Ituturing ko na Lang Bilang Komplimento"


Sa kabila ng mga patuloy na usap-usapan at tsismis hinggil sa kanilang relasyon, nananatiling tahimik sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Kamakailan, sa isang pagbisita ni Julia sa 'Magandang Buhay,' tinanong siya ni host Melai Cantiveros tungkol sa kanyang opinyon ukol sa paulit-ulit na chismis na hiwalay na sila ni Gerald.


"Parang ganun ang balita every month, for how many years na talaga. Hindi ko rin alam saan nangggaling," sagot ni Julia. Dagdag pa niya, "But I think I’ll just take it as a compliment, I guess, we’re able to create that private bubble of ours, na hindi na nila alam kung ano masyado ang nangyayari sa partnership namin."


Isinusulong ni Julia ang kanilang desisyon na maging pribado sa ilalim ng kanilang relasyon at hindi magbahagi ng lahat sa publiko. "And I think that’s also a conscious effort on our end, na protektahan na, hindi kailangang mag-over share, hindi dapat bawat galaw alam ng lahat," ani Julia.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts