Julia Barretto Nag-React sa Umano'y Hiwalay na Sila ni Gerald Anderson

 


Julia Barretto Nag-React sa Umano'y Hiwalay na Sila ni Gerald Anderson


Nakisawsaw na sa usaping kinasasangkutan ng kanyang relasyon si Julia Barretto matapos itong mabiktima ng hiwalayang isyu kinaya at kay Gerald Anderson. 


Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, inamin ng aktres na hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga tsismis na ito. Ngunit itinuring niyang komplimento ang mga ito, sabay sabing, "Parang ganun ang balita, every month, for how many years na talaga. 


Hindi ko rin alam kung san nanggagaling but I think I'll just take it as a compliment I guess, that we're able to create that private bubble of ours na hindi lang talaga nila alam masyado kung ano yung nangyayari sa partnership namin, and I think that's also a conscious effort on our end na talagang protektahan, na hindi kailangan mag-overshare na hindi dapat bawat galaw kailangan alam ng lahat. Siguro, that's why they think, but happy lang."


Sa kabila ng mga intriga, ipinapakita ni Julia na mas pinipili ng kanyang relasyon na manatiling pribado at payapa.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts