Ivana Alawi, Nag-aalay ng All-Expense-Paid Trip at Ticket para sa Eras Tour Concert ni Taylor Swift For Free

 

Inihayag ni Youtube star at batikang aktres Ivana Alawi ang kanyang plano na magbigay ng libreng ticket para sa Eras Tour Concert ni Taylor Swift sa Singapore. 



Bukod sa ticket, sakop din ng alok ng aktres ang lahat ng gastos mula sa biyahe patungong Singapore pati na ang accommodation at pagkain mula March 6 hanggang March 8. Ang pagpili ng masuwerteng makakatanggap ng alok na ito ay isasagawa ni Ivana gamit ang ramdomizer sa darating na February 22.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ivana, "Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift tapos all expense paid and VIP ticket pa." Inihayag din niya ang mga mechanics kung paano makakasali sa giveaway. 


Ang participants ay kailangang i-share ang video at ilagay ang kanilang paboritong lyrics mula sa mga kanta ni Taylor Swift. Dagdag pa ni Ivana, "Napakadali wala kayong kailangan gastusin o bilhin. All you have to do is share this video and put your favorite Taylor Swift lyrics."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts