Gillian Vicencio, Binasag na ang Katahimikan Matapos Madawit sa Hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 

Gillian Vicencio, Binasag na ang Katahimikan Matapos Madawit sa Hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla


Sa isang panayam, ibinasag ni Gillian Vicencio ang kanyang katahimikan matapos madawit ang pangalan niya sa hiwalayang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa ulat ng ABSCBN, ipinahayag ni Gillian na siya ay nagulat sa isyung lumabas, at wala naman daw talagang nangyaring ganoon sa kanilang grupo. Para linawin ang lahat, nag-message siya kay Kathryn Bernardo, at inamin niyang wala siyang kaalam-alam sa pinagmulan ng isyu. Inilahad rin niya na matagal na silang hindi nag-uusap ni Daniel Padilla matapos ang taping ng kanilang serye.


“Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganun. First time ko po magkaroon ng ganung issue," pahayag ni Gillian. Dagdag pa niya, "Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kanya at hindi pa po kasi kami nakakapagkita ulit ng personal.” Nang tanungin tungkol sa posibleng proyekto kasama sina Kathryn at Daniel, sinabi ni Gillian na tatanggapin niya ito bilang isang proyektong kailangan ng pera at walang malisya.


Matatandaang naging bahagi si Gillian ng seryeng "2 Good 2 Be True," na pinagbibidahan nina Kathryn at Daniel.

1 comment:

  1. We cannot blame if Kathryn is looking for a real man. Someone who can satisfy her needs as a woman, not just a girl anymore.

    ReplyDelete

Popular Posts