Cristy Fermin, Hindi Satisfied sa Pahayag ni Dominic Roque; Naglabas ng Kanyang Saloobin

 



Cristy Fermin, Hindi Satisfied sa Pahayag ni Dominic Roque; Naglabas ng Kanyang Saloobin


Fermin, Nagtataka Kung Bakit Siya ang Itinuturo ni Roque


Pebrero 24, 2024 — Sa kanyang programang "Cristy Ferminute," naglabas ng saloobin si Cristy Fermin kaugnay sa naging pahayag ni Dominic Roque hinggil sa umano'y mga alegasyon na ibinato ni Fermin.


Sa episode ng programa, ipinaabot ni Fermin ang kanyang pangangailangan na bigyang-linaw ni Roque kung bakit siya lamang ang itinuturo ng aktor sa isyu ng pag-aari ng condominium unit. Sinabi ni Fermin na hindi siya nagbanggit ng pangalan ng politiko na itinuturo ni Roque.


"Tinalakay po ng halos lahat ng mga media people, hindi lamang po sa pahayagan, ang buong social media. Kami po dito sa Cristy Ferminute at sa SNN, lahat po kami ay tumalakay dito, sumalat sa isyu. Nagtataka rin po ako kung bakit ang sinentrohan lamang ni Dominic Roque at ng kanyang mga abogado ay ang inyong likod," ani Fermin.


Hinamon ni Fermin si Roque na magbigay-linaw kung bakit siya lamang ang itinuturo at kung mayroon siyang nasilayan o narinig na pangalang binanggit sa kanyang programa.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts