Constenstant sa 'EXpecially For You' ng It's Showtime, Naiyak sa Pangako ni Meme Vice na Tutulungan siyang Makapagtapos ng Pag-aaral

 



Constenstant sa 'EXpecially For You' ng It's Showtime, Naiyak sa Pangako ni Vice na Tutulungan siyang Makapagtapos ng Pag-aaral


Sa nakaraang episode ng "EXpecially For You" segment ng It's Showtime, isang participant na si Nami ang hindi napigilang ma-emosyonal matapos pangakuan ni Vice Ganda na tutulungan siyang makapagtapos ng pag-aaral. Sa kwento ni Nami, itinataguyod niya ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, at ito ang naging dahilan para sagutin ni Vice ang gastos ng kanyang edukasyon.


Sa pagbigay ng pangakong ito, ibinahagi rin ni Vice na mayroon siyang isang pinapa-aral na dating TNT contestant na magtatapos ngayong March. "Kasi meron din akong isang pinag-aral dito, sa Tawag ng Tanghalan, tas ga-graduate na siya sa March. Kaya sabi nila, 'Te, may isa ka na namang napa-graduate.' So may isang mawawala, pwede akong makapagkuha pa ng extra," kuwento ni Vice.


Dagdag pa ng komedyante, "I will send you to school," na nagresulta sa hindi mapigilang luha ni Nami, na puno ng pasasalamat at emosyon sa naging pangako ni Vice na magiging tulay sa pag-abot ng kanyang pangarap.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts