Bea Alonzo Isinoli na ang Engagement Ring kay Dominic Roque Matapos ang Hiwalayan

 



Bea Alonzo Isinoli na ang Engagement Ring kay Dominic Roque Matapos ang Hiwalayan


Kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang Kapuso talk show na "Fast Talk" na hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ang pagkumpirma ay ginawa ni Tito Boy sa live TV noong Martes, February 6.


Ayon kay Tito Boy, tama ang naunang balita ni Ogie Diaz na hiwalay na ang dalawa. "Tama si Ogie Diaz po... As we talked today, yes, hiwalay po si Dominic at saka si Bea," pahayag ni Tito Boy.


Inilabas ni Bea ang kanilang relasyon noong August 2021 at naging engaged sila noong July 18, 2023, sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan. Ngunit, ayon kay Boy, mukhang sinusuyo ni Dominic si Bea at nag-usap pa sila kamakailan upang ayusin ang kanilang problema.


Pero batay sa kumpirmasyon ni Tito Boy, may matinding pagsubok na kinakaharap ang dalawa. Dagdag pa niya, isinoli na raw ni Bea ang kanyang engagement ring kay Dominic.


Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Bea at Dominic hinggil sa kanilang hiwalayan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts