Bea Alonzo at Dominic Roque, May Patama kina Ogie Diaz at Boy Abunda?

 



Bea Alonzo at Dominic Roque, May Patama kina Ogie Diaz at Boy Abunda?


Nagkaruon ng mga spekulasyon mula sa publiko kung may patama nga ba sina Bea Alonzo kay Ogie Diaz at Boy Abunda matapos ang pagsusuri sa joint statement ng aktres at ng kanyang dating nobyo na si Dominic Roque kaugnay ng kanilang hiwalayan. 


Sa naturang pahayag, iginiit ni Bea na hindi madaling desisyon ang kanilang ginawang pagtatapos sa kanilang engagement. Isinapubliko rin ng dalawa ang kanilang statement upang sagutin ang mga spekulasyon, tanong, at insulto na kanilang nararamdaman.


Pinunto ni Bea sa kanyang pahayag ang di-pagkakasundo sa ilang nanghihula ng kanilang hiwalayan, partikular na sa aspeto ng pag-amin ng kanilang breakup nang walang pahintulot mula sa kanila. 


Nilinaw ng aktres na may ilan na nag-umpisa nang magkumpirmang hiwalay na sila bago pa man nila ito naibabahagi. Bagamat hindi direktang binanggit, lumabas ang mga impormasyon mula kay Ogie Diaz at Boy Abunda ukol sa kanilang hiwalayan bago pa man ito naanunsyo ng dalawa.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts